Tanong
Ano ang existentialism?
Sagot
Ang existentialism ay hindi isang pormal na sistema ng pilosopiya kundi isang pangkalahatang oryentasyon sa mga isyung pilosopikal. Naging napakapopular nito sa Europa noong mga unang bahagi ng ikalabingwalong siglo (18th century). Ito ay isang reaksyon sa sobrang pagtitiwala ng tao sa kakayanan ng kanyang isip na itinaguyod sa panahon ng “Enlightenment.” Ang ilan sa mga impluwensya na naging daan upang maging kaakit-akit ang pananaw na ito ay si Kierkegaard na nagsabi na ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi maaaring ikahon sa isang koleksyon ng proposisyon ng tao kundi mayroon ding itong malawak na implikasyon sa emosyon at pakikipagrelasyon ng tao sa kanyang kapwa tao. Higit na mahalaga, ang mga pangyayari sa kasaysayan tulad ng pagkawasak na sanhi ng World War I, ang pagbagsak ng mga ekonomiya noong 1920’s at 1930’s at ang pangamba sa napipintong World War II ay humimok sa mga tao na magtiwala sa huwad na pag-asa na dala ng modernismo na itinuturo na kaya ng isip ng tao na labanan ang lahat na mga problema sa mundo.
Sa esensya, hindi pinaniniwalaan ng existentialism na kaya ng tao na makilala ang sarili sa pamamagitan ng pilosopiya. Pinaniniwalaan ng existentialism na walang pag-asa ang tao na makita ang kanyang kahalagahan sa reperensya ng kanyang lugar sa isang makatwiran at maayos na sangnilikha. Para sa mga existentialist, pinagdududahan nila mismo ang kaayusan ng pangangatwiran. Dahil dito, hindi pinaniniwalaan ng mga existentialists ang mga paliwanag kung paano malalaman ang kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng karunungan ng tao. May mga existentialists na ipinaliliwanag ang kahulugan ng buhay base sa tagumpay na nakamit ng indibidwal sa kabila ng mga kahirapang kanyang pinagdaanan. May mga existentialists naman na ipinaliliwanag ang kahulugan ng buhay na nagmumula sa pakikipagugnayan sa kapwa tao tungkol sa kanilang mga karanasan. Ang karanasan ang pangunahing pinagtutuunan ng pagpapahalaga ng existentialism habang isinasantabi naman nito ang mga pangangatwiran ng tao.
Paano tutugon ang isang Kristiyano sa mga turo ng existentialism? Sa isang banda, maaaring sumang-ayon ang isang Kristiyano na may huwad na pag-asa ang modernismo sa kakayahan ng isip ng tao na labanan ang lahat ng pagsubok. Ang totoo, ayon sa katuruan ng Bibliya, halos lahat ng bagay ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos, kasama ang problema ng kasalanan at kamatayan. Gayundin, kinikilala ng mga Kristiyano na maraming bagay ang hindi kayang matuklasan ng tao gamit ang kanyang isip at maaari lamang matagpuan ang mga iyon kung nanaisin ng Diyos na ipahayag ang mga bagay na iyon sa tao. Sa kabilang banda naman, hindi sumasang-ayon ang Kristiyano sa espiritu ng kawalang pag-asa ng existentialism. Binibigyang diin ng Kristiyanismo ang dalawang kaganapan sa hinaharap. Una, naniniwala ang Kristiyanismo sa Huling Paghuhukom kung saan itatama at sosolusyunan ng Diyos ang lahat ng mali, kaguluhan at pagkawasak dahil babalik si Kristo upang talunin ang lahat ng kasamaan sa sangnilikha at upang maghari sa lahat. Ikalawa, pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ang isang realidad na mangyayari sa hinaharap na siyang pag-asa ng lahat ng nagtitiwala kay Kristo, ang karanasan ng pagkabuhay na mag-uli, ang buhay na walang hanggan at ang ganap na kalayaan mula sa kasalanan na ibinigay ng walang bayad sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Napakaramaing mga talata sa Bibliya ang maaaring banggitin upang patunayan ang dalawang aspetong ito sa hinaharap. Ito ang isa sa napakaraming mga talata: “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23).
English
Ano ang existentialism?