settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Euthyphro's Dilemma o suliranin ni Euthyphro?

Sagot


Ang sikat na katanungan ni Plato patungkol sa kalikasan ng kabutihan ay kung ang isang bagay ba ay mabuti dahil tinawag iyon ng Diyos na mabuti, o tinawag ng Diyos na ang bagay na iyon ay mabuti dahil iyon ay mabuti? Kilala ito sa tawag na Euthyphro's Dilemma (ipinangalan sa karakter na nagngangalang Euthyphro sa 'socratic dialogue' sa paksa ng kabutihan).

May dalawang problema sa katanungang ito para sa Kristiyano. Una, kung ang isang bagay ay mabuti dahil simpleng tinawag iyon ng Diyos na mabuti, lalabas na tila maaaring sabihin ng Diyos na mabuti ang anumang bagay at magiging mabuti nga iyon. Maaaring kasama dito ang mga bagay na likas nating tinatawag na masama, gaya ng panggagahasa at pagpatay. Ngunit hindi natin nais na maging depende ang moralidad ayon sa deklarasyon lamang ng Diyos, kaya hindi maganda ang pananaw na ito para sa mananampalataya. Gayunman, kung simpleng iniuulat lamang ng Diyos ang kabutihan ng isang bagay, lalabas na hindi ang Diyos ang pamantayan ng kabutihan at tila nakadepende Siya sa isang panlabas na pamantayan hindi sa Kanyang sariling pamantayan.Ngunit hindi natin nais na may isang pamantayan na mas mataas sa Diyos na Kanyang sinusunod kaya hindi rin katanggap -anggap ang pananaw na ito. Ito ang dahilan ng suliranin ni Euthyphro.

Gayunman, may pangatlong pagpipilian. Bilang mga Kristiyano, dapat nating sang-ayunan ang kapamahalaan ng Diyos at ang Kanyang likas na kabutihan. Kaya, hindi natin nais ang isang hindi makatwirang pamantayan o isang pamantayan na umiiral ng hiwalay sa Diyos. Ang pinakamaganda, ang Diyos ay parehong mabuti at walang hanggan ang kapamahalaan. Kaya nga, maaaring maging pamantayan ng kabutihan ang mismong kalikasan ng Diyos at maaaring ibase ng Diyos ang mabuti sa kanyang deklarasyon ng kabutihan sa Kanyang sarili. Hindi nagbabago ang kalikasan ng Diyos at likas Siyang mabuti; kaya nga, makatwiran at laging totoo ang Kanyang deklarasyon sa pagiging mabuti ng isang bagay. Laging makatarungan ang Kanyang kalooban at laging tama ang Kanyang deklarasyon. Nilulutas nito ang parehong problema.

Paanong ang Diyos ang pamantayan ng kabutihan? Dahil Siya ang Manlilikha. Ang kabutihan ng isang bagay ay natutukoy sa pamamagitan ng layunin nito. Hindi mabuting kutsilyo ang isang mapurol na kutsilyo dahil ang layunin ng kutsilyo ay pumutol at humiwa. Masama para sa sapatos na maging masakit sa paa,, sa halip, ang isang mabuting sapatos ay dapat na komportable at hindi nakakapinsala sa paa. Bilang Manlilikha, ang Diyos ang nagtakda ng layunin ng lahat ng Kanyang nlikha. May tiyak na layunin ng lahat ng Kanyang ginawa at anumang bagay na humahadlang sa layuning ito ay masama. Masama ang panggagahasa dahil hindi ito ang itinakdang layunin ng Diyos para sa pagtatalik. Masama ang pagpatay dahil hindi layunin ng Diyos para sa mga tao na sila ang magtakda ng wakas ng buhay ng kanilang kapwa tao. (Paalala: hindi nangangahulugan na dapat na itakwil ang kamatayan na gawa ng tao gaya ng parusang kamatayan o digmaan. Kung nagtakda ang Diyos ng panuntunan para sa mga gawaing ito, kasangkapan lamang Niya ang tao upang isakatuparan ang Kanyang layunin).

Sa pagtatapos, mabuti ang isang bagay kung ginaganap nito ang kanyang layunin. Dahil ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay, ayon sa Kanyang mabuting kalikasan, tunay na Siya ang pamantayan at tagapagdeklara ng kabutihan. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Euthyphro's Dilemma o suliranin ni Euthyphro?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries