settings icon
share icon
Tanong

Ang relihiyon ba ang dahilan ng mga digmaan?

Sagot


Totoo na ang maraming kaguluhan sa kasaysayan ng mundo ay dahil sa relihiyon at kinasasangkutan ng maraming relihiyon. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

• Ang mga krusada (crusades) — Ito ay ilang serye ng kampanya mula noong ikalabing isa hanggang ikalabintatlong siglo (11th to 13th century) na isinagawa sa layunin na muling angkinin ang Israel mula sa mga mananakop na Muslim at upang tulungan ang Imperyong Byzantine.

• Ang mga digmaang panrelihiyon sa Pransya (The French Wars of Religion) — Ito ay ilang sunod sunod na digmaan sa Pransya noong ikalabing-anim na siglo (16th century) sa pagitan ng mga Romano katoliko at Protestanteng Huguenots.

• Ang tatlumpong (30) taon ng digmaan – Ito ay isa pang digmaan sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante noong ikalabimpitong siglo (17th century) sa bansa na ngayo’y tinatawag na Germany.

Ang listahang ito ay maiksi lamang. Maidadagdag din ang Taiping Rebellion at maraming kaguluhan sa Northern Ireland. Hindi maikakaila na ang Kristiyanismo ay may malaking ambag sa mga kaguluhan sa buong dalawang libong (2,000) taon ng kasaysayan ng mundo.

Sa relihiyong Islam, may isang konsepto na tinatawag na jihad, o ‘banal na digmaan.’ Ang salitang jihad ay literal na nangangahulugan na ‘labanan,’ ngunit ang konsepto ay laging ginagamit upang ilarawan ang pakikipagdigmaan upang palawakin at depensahan ang mga teritoryo ng Islam. Ang halos hindi tumitigil na digmaan sa Gitnang Silangan sa loob ng mahigit na limandaang (500) taon ay malaki ang ambag sa ideya na ang relihiyon ang dahilan ng mga digmaan. Ang pag-atake sa Amerika noong Setyembre 11 ay jihad ang dahilan laban sa Amerika, ang ‘dakilang Satanas’ na sa paningin ng mga Muslim ay kumakatawan sa Kristiyanismo. Sa Judaismo, ang mga pananakop sa mga bansa sa pamamagitan ng pakikipagdigma ay itinala sa Lumang Tipan (partikular sa aklat ni Josue) sa utos ng Diyos upang maangkin ng mga Israelita ang Lupang Pangako.

Ang argumento ay talaga bang ang relihiyon ang siyang naging dahilan ng maraming digmaan sa kasaysayan ng sangkatauhan? Gayunman, mapapatunayan ba ng mga kritiko ng relihiyon na ang relihiyon mismo ang dahilan ng mga digmaan? Ang sagot ay “hindi” at “oo.” Oo, dahil sa esensya ang relihiyon ang motibo sa likod ng maraming kaguluhan. Gayunman, hindi rin dahil hindi ang mismong relihiyon ang pangunahing dahilan ng mga digmaan.

Upang patunayan ang argumentong ito, tingnan natin ang ika-dalawampung siglo (20th century). Sa lahat ng aspeto, ang ikadalawampung siglo ang pinakamadugong siglo sa kasaysayan ng mundo. Dalawang digmaang pandaigdig ang naganap sa yugtong ito ng kasaysayan, mga digmaan na walang kinalaman ang relihiyon. Idagdag pa ang holocaust o pagpatay ni Hitler ng milyun milyong Hudyo at ang rebelyon ng mga komunista sa Russia, China, hilagang silangang Asya at Cuba ang naging dahilan ng kamatayan ng may limampu (50) hanggang pitumpung (70) milyong katao (may mga nagpapalagay na mahigit pa sa 100 milyon ang bilang ng mga namatay sa panahong ito). Ang pangunahing kadahilanan ng mga pagpatay at ng mga kaguluhang ito ay ideolohiya ng tao hindi ang isyu ng relihiyon. Madali nating mapapatunayan na mas maraming tao ang namatay sa kasaysayan ng sangkatuahn dahil sa ideolohiya sa halip na dahil sa relihiyon. Itinuturo ng ideolohiya ng komunismo ang pagsupil sa ibang tao. Ang ideolohiya naman ng mga Nazi ay pagpatay sa mga mahihinang lahi. Ang dalawang ideolohiyang ito ang dahilan ng kamatayan ng milyun milyong tao at walang kinalaman ang relihiyon sa mga ideolohiyang ito. Sa katotohanan, ang ateismo ang teolohiya ng mga komunista na hindi naniniwala sa Diyos.

Ngunit sa realidad, hindi ang ideolohiya at relihiyon ang mismong dahilan ng mga digmaan. Ang pangunahing dahilan ng lahat ng digmaan ay ang kasalanan ng tao. Tingnan natin ang sinasabi ng Kasulatan patungkol dito.

“Ano ang pinagmumulan ng inyong alitan at paglalaban-laban? Hindi ba't ang masasamang nasa na namumugad sa kalooban ng bawat isa sa inyo, at pawang nagkakalaban-laban? Mayroon kayong pinakamimithi ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't papatay kayo kung kailangan, mapasainyo lamang ito. Dahil sa inyong pag-iimbot sa mga bagay na hindi inyo, kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi, sapagkat hindi kayo humihingi sa Diyos. At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap, sapagkat masama ang inyong layunin---humihingi kayo upang gamitin sa kalayawan” (Santiago 4:1-3).

“Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang isipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paninirang-puri” (Mateo 15:19).

“Sino ang makauunawa sa puso ng tao? Ito'y magdaraya at walang katulad?” (Jeremias 17:9).

“Nakita ni Yahweh na labis na ang kasamaan ng tao, at wala na itong iniisip na mabuti” (Genesis 6:5).

Ano ang pangunahing dahilan ng mga digmaan ayon sa Bibliya? Ito ay ang ating makasalanang puso. Ang relihiyon at ideolohiya ay simpleng kasangkapan lamang na ginagamit ng tao upang sanayin ang kasamaan ng kanyang puso. Ang isipin, gaya ng mga sinasabi ng mga ateista, na kaya nating lumikha ng isang mapayapang komunidad kung aalisin natin ang ating “hindi praktikal na pangangailangan sa relihiyon,” ay isang malaking pagkakamali sa pagunawa sa kalikasan ng tao. Pinatunayan sa kasaysayan ng mundo na kung aalisin natin ang relihiyon, tiyak na may papalit dito na isang paniniwala na hindi makabubuti sa tao. Ang totoo, ang tunay na relihiyon ang sumusupil sa kasalanan ng tao at kung mawawala ito, tiyak na maghahari ng lubusan ang kasamaan at kasalanan sa mundo.

Kahit pa may impluwensya ng tunay na relihiyon, hindi natin matatamo ang kapayapaan sa ating kasalukuyang panahon. Walang araw na hindi nagkaroon ng kaguluhan sa alinmang bahagi ng mundo. Ang tanging lunas sa digmaan ay ang Prinsipe ng Kapayapaan, si Hesu Kristo! Sa pagbabalik ni Hesus gaya ng Kanyang ipinangako, wawakasan Niya ang kasalukuyang panahon at itatatag ang walang hanggang kapayapaan:

“Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng kapayapaan. Kung magkagayon, gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat. Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang mga digmaan” (Isaias 2:4).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang relihiyon ba ang dahilan ng mga digmaan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries