settings icon
share icon
Tanong

Sinusuportahan ba ng Bibliya ang komunismo?

Sagot


Ang komunismo na isang sangay ng sosyalismo, ay isang pageeksperimento sa sistema ng sosyedad na base sa mga prinsipyo na sa biglang tingin ay sumasang-ayon sa ilang prinsipyo ng Bibliya. Gayunman, ang isang masusing pagaaral sa komunismo ay magpapakita na kakaunting prinsipyo lamang sa Bibliya ang makikitang tunay na sumusuporta sa ideya ng komunismo. May pagkakaiba sa komunismo sa teorya at komunismo sa gawain, at ang mga talata sa Bibliya na tila sumusuporta sa ilang prinsipyo ng komunismo sa katotohanan, ay sumasalungat sa mga gawain ng isang pamahalaang komunista.

May isang nakakagulat na paglalarawan sa Iglesya sa Gawa 2 na nagtulak sa maraming tao na magtanong kung sinusuportahan ba ng Bibliya ang komunismo, at nagtulak din sa ilang tao na ipagtanggol na ang ideya ng komunismo ay naaayon sa Bibliya. Mababasa sa talata, “At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian” (Gawa 2:44-45). Ang pahayag na ito ay tila nagpapahiwatig na ang komunismo (na ang ideyalismo ay ang pagnanais na maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng “pamamahagi ng kayamanan sa lahat”) ay tinatangkilik ng pinakaunang Iglesya. Gayunman, kailangang maunawaan ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng Iglesya sa Gawa 2 at ng isang komunistang sosyedad.

Sa Iglesya, sa ikalawang kabanata ng aklat ng mga Gawa, ipinamahagi ng mga mananampalataya ayon sa kanilang mabuting kalooban ang kanilang mga ariarian sa mga nangangailangang mananampalataya, at ibinigay nila iyon ng malaya, at walang anumang regulasyon kung paano sila magbibigay. Sa ibang salita, ibinahagi nila ang kung anumang mayroon sila dahil sa kanilang pag-ibig para sa isa’t isa at para sa iisang layunin – ang mamuhay para kay Kristo at upang magpuri sa Diyos. Sa isang komunistang bansa, nagbibigay ang mga tao dahil pinupuwersa sila na magbigay ng isang sistema ng gobyerno. Wala sa kanila ang pagpapasya kung gaano ang kanilang ibibigay at kung kanino sila magbibigay. Sa ilalim ng pamahalaang komunista, ang isang nagbibigay ng masaya at masagana at isang madamot at nagbibigay ng masama ang loob ay parehong kinakailangang magbigay ng parehong halaga – mula sa kanilang kinikita.

Ang isyu ay ang ng pagbibigay ng masaya (na sinusuportahan ng Bibliya) laban sa pwersahang pagbibigay. Sinasabi sa 2 Corinto 9:7, “Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.” Ang Bibliya ay naglalaman ng maraming reperensya sa pagtulong sa mahihirap, na maging mapagbigay ng kung anong mayroon tayo, at naghahanap ng mga kapus palad upang kusang tulungan sila. Kung susundin natin ang bagay na ito ng may masayang puso at ng may tamang motibo, ang ating pagbibigay ay nakalulugod sa Diyos. Ang hindi nakapagbibigay lugod sa Diyos ay ang pagbibigay ng sapilitan, dahil ang puwersahang pagbibigay ay hindi pagbibigay ayon sa pag-ibig at dahil dito, walang mapapakinabang ang tao sa espiritwal. Sinabi ni Pablo sa mga taga Corinto, “Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin!” (1 Corinto 13:3). Ang pagbibigay ng walang pag-ibig ay ang hindi mapipigilang resulta ng komunismo.

Ang totoo, ang kapitalismo ay isang mas magandang sistema pagdating sa pagbibigay dahil pinatunayan nito na ang paglago ng kayamanan ng indibidwal ay nagbibigay ng kakayahan sa mga tao na magbigay mula sa kanilang kinikita. Napatunayan na ginagawang mahirap ng komunismo ang mamamayan nito maliban sa iilan na nasa kapangyarihan at siyang nagdedesisyon kung kanino mapapunta ang kayamanan. Ngunit kahit na hindi magtagumpay ang kapitalismo, ito ay isang mas magandang sistema para sa pagtulong sa nangangailangan. Nakasalalay ito sa kasipagan ng mga mamamayan (Kawikaan 10:4) at sa pagiging mapagbigay mula sa bunga ng kanilang pagpapagal (1 Timoteo 6:18) at sa pagbibigay ng dahil sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Kaya nga, makikita natin na idinisenyo ng Diyos na ang pisikal at pinansyal na pangangailangan ng mahihirap ay kakatagpuin ng mga indibidwal na Kristiyano, sa halip ng anumang sistema ng gobyerno.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sinusuportahan ba ng Bibliya ang komunismo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries