Tanong
Bakit napakaraming Kristiyano ang walang matibay na Biblikal na pananaw sa mundo?
Sagot
Ang isang Biblikal na pananaw sa mundo ay ang perspektibo ng tao sa mundo sa kabuuan mula sa pananaw ng Bibliya. Ito ang pangungahing sistema ng paniniwala ng isang Kristiyano tungkol sa kahulugan ng buhay, sa kalikasan ng Diyos, sa pinanggagalingan ng katotohanan at iba pang pangunahing konsepto sa buhay. Ngunit maraming Kristiyano na anghindi naaayon sa Bibliya ang pananaw sa buhay. Maaari nilang talakayin ang ilang isyu mula sa pananaw ng Bibliya ngunit hindi ang lahat ng isyu.
Ito ang mga posibleng dahilan kung bakit bigo ang ilang Kristiyano na magkaroon ng matibay na pananaw sa mundo na naaayon sa Bibliya:
1) Wala silang alam sa sinasabi ng Bibliya. Hindi nila alam ang Salita ng Diyos. Kung hindi alam ng isang tao ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kasagraduhan ng buhay ng tao halimbawa, mahirap para sa kanya ng magkaroon ng Biblikal na pananaw sa paksang ito. Para sa mga ignorante, ang susi sa pagkakaroon ng Biblikal na pananaw ay pagaaral ng Bibliya.
2) Tinatanggihan nila ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa ilang isyu. Kung hindi naniniwala ang isang taong nagaangkin na isang Kristiyano sa sinasabi ng Bibliya, magiging imposible para sa kanya na magkaroon ng tunay na makabibliyang pananaw. Para sa mga tumatanggi, ang susi sa pagkakaroon ng Biblikal na pananaw ay pagsisisi.
3) Higit nilang pinaguukulan ng pansin ang iniisip sa kanila ng mundo sa halip na ang iniisip sa kanila ng Diyos.“Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligta”(Kawikaan 29:25). Itinuturing ng isang Kristiyano na tinitingnan ang mundo sa pananaw ng Bibliya na hindi siya taga-mundo. Sinabi ni Hesus,“Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo”(Juan 15:19; tingnan din ang Juan 17:14). Kung makikipagkompromiso ang mananampalataya sa pananaw ng mundo, mawawala ang kanyang pansin sa perspektibo ng Diyos. Para sa mga natatakot, ang susi sa pagkakaroon ng Biblikal na pananaw sa mundo ay katapangan.
4) Mala-hininga ang kanilang pagtatalaga kay Kristo. Gaya ng iglesya sa Laodicea, hindi sila“malamig ni mainit”(Pahayag 3:15), at hindi sila handang manindigan para kay Kristo. Para sa mga mala-hininga, ang susi sa pagkakaroon ng Biblikal na pananaw sa mundo ay buong pusong pagtatalaga ng sarili kay Kristo.
5) Naimpluwensyahan sila ng kasinungalingan ng mundo. Mula ng panahon nina Adan at Eba, ginagamit na ni Satanas ang kanyang kakayahan na mandaya ng tao (Genesis 3:1-7; Pahayag 12:9). Ang isang makapangyarihang sandata ni Satanas ay ang ideya na ang Bibliya ay isang aklat lamang ng mga alamat, na ito ay puno ng kamalian at hindi maaaring pagtiwalaan. Ninanais ni Satanas na kumbinsihin angmga tao na hindi na napapanahon ang Bibliya at hindi na ayon sa uso ang mga batas at prinsipyo nito. Marami sa iglesya ang naimpluwensyahan ng ganitong pagiisip. Para sa mga nadaya, ang susi sa pagkakaroon ng Biblikal na pananaw ay karunungan sa pag-alam sa pagitan ng tama at mukhang tama.
6) Nalulunod sila ng mga pangyayari sa kanilang buhay at pinagdududahan ang mga pangako ng Diyos. Sa Mateo 14, ng bumaba si Pedro sa bangka upang lumakad sa ibabaw ng tubig, ipinahayag niya ang isang Biblikal na pananaw: si Hesus ang pinagmumulan ng kapangyarihan. Gayunman, pinagtuunan ni Pedro ng pansin ang malalaking alon, at dahil doon, nabago ang kanyang pananaw: inisip niya na maaaring higit na makapangyarihan ang mga alon kaysa kay Hesus. Para sa mga nagdududa, ang susi sa pagkakaroon ng Biblikal na pananaw ay pananampalataya.
Upang magkaroon ng matibay na Biblikal na pananaw, dapat tayong bumalik sa Bibliya at panghawakan ang mga pangako ng Diyos para sa atin, sapagkat walang kahit anong maiaalok sa atin ang sanlibutan (Lukas 9:25; Juan 12:25; Mateo 6:19). English
Bakit napakaraming Kristiyano ang walang matibay na Biblikal na pananaw sa mundo?