settings icon
share icon
Tanong

Bakit ako dapat maniwala sa Diyos?

Sagot


Ang paniniwala sa Diyos ang pinakapangunahin sa lahat na dapat gawin ng tao. Ang pagkilala sa isang Manlilikha ang pundasyon sa pagkatuto ng maraming mga bagay tungkol sa Kanya. Kung walang paniniwala sa Diyos ang isang tao, imposible na bigyan Siya ng Diyos ng kasiyahan o makalapit siya sa Kanya (Hebreo 11:6). Napapaligiran ang tao ng mga ebidensya ng pagkakaroon ng Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng pagpapatigas ng tao sa kanyang puso kaya niya tinatanggihan ang mga ebidensyang ito (Roma 1:18–23). Isang kahangalan ang hindi maniwala sa Diyos (Awit 14:1).

May dalawang pagpipilian sa buhay na ito. Una, may kalayaan tayo na piliing magtiwala sa limitadong karunungan ng tao. Nakaimbento ang karunungan ng tao ng iba’t ibang pilosopiya, ng maraming relihiyon sa mundo at mga “ismo,” iba’t ibang kulto at iba pang ideya at pananaw sa mundo. Ang susing katangian ng pangangatwiran ng tao ay hindi ito nagtatagal, dahil hindi nagtatagal ang buhay ng tao sa mundo. Sa pamamagitan ng limitadong kakayahan ng tao, kaya hindi tayo marunong gaya ng ating iniisip sa ating sarili (1 Corinto 1:20). Nagsisimula ang karunungan ng tao sa kanyang sarili at nagtatapos sa kanyang sarili. Nabubuhay ang tao sa isang kahon ng panahon na hindi siya makakalabas. Isinisilang ang tao, lumalaki at tumatanda, at nakakaapekto sa mundo, at pagkatapos ay mamamatay sa huli. Ito ay para sa lamang sa kanya, at sa natural na paraan. Ang pagpili na mabuhay sa pamamagitan ng karunungan ng tao ang dahilan ng kakulangan ng tao. Kung walang kinikilingang desisyon ang tao, sapat ang ganitong uri ng obserbasyon sa buhay upang ikunsidera ang ikalawang pagpipilian.

Ang ikalawang pagpipilian na mayroon tayo ay ang pagtanggap sa kapahayagan ng Diyos sa Bibliya - ang “hindi pagtitiwala sa ating sariling karunungan” (Kawikaan 3:5). Siyempre, kung tatanggapin na galing sa Diyos ang Bibliya, kailangang kilalanin ng isang tao ang Diyos. Hindi inaalis ng paniniwala sa Diyos ng Bibliya ang paggamit ng karunungan at katwiran; sa halip, binubuksan ng Diyos ang ating mga mata kung hanapin natin ang Diyos (Awit 119:18), bibigyan tayo ng pangunawa (Efeso 1:18), at pagkakalooban tayo ng karunungan (Kawikaan 8).

Pinagtitibay ng paniniwala sa Diyos ang mga dati ng umiiral na mga ebidensya. Tahimik na sumasaksi ang mga nilikha ng Diyos sa katotohahan ng isang Manlilikha (Awit 19:1–4). Itinatag sa Aklat ng Diyos, ang Bibliya, ang sarili nitong katibayan at kawastuan sa kasaysayan. Halimbawa. Sinasabi sa Mikas 5:2 na ipapanganak si Hesus sa Betlehem ng Judea. Ibinigay ni Mikas ang hulang ito noong humigit kumulang 700 BC. o pitong siglo bago ipanganak si Hesus . Ipinanganak Siya sa Betlehem ng Judea, gaya ng inihula ni propeta Mikas (Lukas 2:1–20; Mateo 2:1–12).

Ipinakita ni Peter Stoner, sa kanyang aklat na Science Speaks (p. 100–107), na walang halaga ang siyensya ng probabilidad para sa pagkakatugma ng mga hula sa Kasulatan. Sa pamamagitan ng paggamit ng batas ng pagkakataon sa pagtukoy sa walong hula patungkol kay Kristo, natagpuan ni Stoner na ang tsansa na matutupad ng isang tao ang lahat ng walong hula ay isa sa 10 na may 17 zero. Ito ay tsansa ng 1 in 100,000,000,000,000,000 at ito ay patungkol lamang sa walong hula; tinupad ni Hesus ang mas marami pang mga hula. Walang duda na pinatunayan ng mga hulang natupad na ang kawastuan ng Bibliya at ang pagiging mapagkakatiwalaan nito.

Sa pagbabasa ng Bibliya, matutuklasan natin na walang hanggan ang Diyos, na Siya ay banal, personal, puno ng biyaya, at pag-ibig. Binuksan ng Diyos ang kahon ng panahon sa pamamagitan ng pagkakatawang tao ng Kanyang Anak, ang Panginoong Hesu Kristo. Hindi sinasalungat ng mapagmahal na gawaing ito ng Diyos ang katwiran ng tao, sa halip nagbibigay ito ng linaw upang magsimulang maunawaan ng tao na nangangailangan siya ng kapatawaran at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Anak ng Diyos.

Oo, maaaring tanggihan ng tao ang Diyos ng Bibliya, at marami ang gumagawa nito. Maaaring tanggihan ng tao ang ginawa ni Kristo para sa kanila. Ang pagtanggi kay Kristo ay pagtanggi sa Diyos (Juan 10:30). Ano ang iyong pipiliin? Mamumuhay ka ba sa limitado at nagkakamaling isipan ng mundo? O kikilalanin mo ang iyong Manlilikha at tatanggapin ang Kayang kapahayagan na nasa Bibliya? “Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto” (Kawikaan 3:7–8). English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit ako dapat maniwala sa Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries