Unawain ang kalooban ng Diyos
 
 

Papaano ko malalaman ang kalooban ng Diyos sa aking buhay?



Tanong: "Papaano ko malalaman ang kalooban ng Diyos sa aking buhay?"

Sagot:
Mayroong dalawang susi para malaman ang kalooban ng Diyos sa dalawang sitwasyon (1) Kinakailangan mong siguruhin na ang hinihingi mo o ang kinukonsidera mong gagawin ay hindi ipinagbabawal ng Bibliya. (2) Kinakailangan mong siguruhin na ang hinihingi mo o ang kinukonsidera mong gagawin ay makapagpupuri sa Diyos at matulungan kang lumago sa iyong buhay Espiritwal. Kung ang dalawang ito ay sinusunod mo subalit hindi pa rin ibinibigay ng Diyos ang hinihingi mo - maaaring hindi kalooban ng Diyos para sa iyo ang mga hinihingi mo. O hindi kaya, kinakailangan mo lang maghintay pa ng konting panahon para sa hinihingi mo. Ang pag-unawa sa kalooban ng Diyos ay mahirap kung minsan. Nais ng mga tao na direktang sabihin ng Diyos sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin - saan magtatrabaho, saan titira, sino ang magiging asawa, at iba pa. Sinasabi sa atin ng Roma 12:2 "Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos - kung ano ang mabuti, nakalulugod sa Kanya, at talagang ganap."

Hindi palagi direkta at partikular na sinasabi ng Diyos sa mga tao ang anumang impormasyon. Pinapayagan tayo ng Diyos na gumawa ng sarili nating pagpili hinggil sa ganoong mga bagay. Ang tanging desisyon lamang na ayaw ng Diyos na gawin natin ay ang desisyon na gumawa ng kasalanan o labanan ang Kanyang kalooban. Nais ng Diyos na gumawa tayo ng mga desisyon na naaayon sa Kanyang kalooban. dahil dito, papaano mo malalaman ang ang kalooban ng Diyos ay para sa iyo? Kung ikaw ay naglalakad na malapit sa Diyos at may pagnanasa ka na malaman ang kalooban Niya sa iyong buhay-ibibigay ng Diyos ang Kanyang hangarin sa iyong puso. Ang susi ay naisin ang kalooban ng Diyos at hindi ang iyong kalooban. "Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan" (Awit 37:4). Kung walang sinasabi ang Bibliya laban dito, at magbibigay ito ng kapakinabangan sa iyo lalong-lao na sa iyong buhay espiritwal-binibigyan ka ng pahintulot.


Balik sa Tagalog Home Page

Papaano ko malalaman ang kalooban ng Diyos sa aking buhay?