| |
Mahalaga ba ang panalangin ng maramihan?
Tanong: "Mahalaga ba ang panalangin ng maramihan? Ito bang panalangin ng maramihan ay mas makapangyarihan o mabisa kaysa sa pananalangin ng isang tao na nag-iisa?"
Sagot:
Ang panalangin ng maramihan ay mahalaga sa buhay ng isang iglesiya , kasama ng pagsamba, tumpak na doktrina, komunyon, at pagsasama-sama. Ang unang iglesiya ay palaging nagtitipon upang matutuhan and doktrina ng mga apostol, baliin ang tinapay, at upang magpanalangin ng sama-sama (Ang Mga Gawa 2:42). Kapag tayo ay nagdapanalangin ng sama-sama sa kasamahan ng ibang nanampalataya sa Diyos, ang kalalabasan ay maaaring maging positibo. Ang panalangin ng maramihan ay nagbibigay sa atin ng kataasan at pagbubuklod habang tayo ay nakikisali ng ating panlahat na pananampalataya sa Diyos. Ang parehong Espiritu Santo na namamahay sa bawat nanampalataya sa Diyos ay nagbibigay ng kaligayahan sa ating mga puso habang ating naririnig ang mga papuri sa ating Panginoon at Tagapagligtas, pinagbubuklod tayo ng walang kaparis na pagkakaisa na hindi makikita sa iba pang klase ng buhay.
Para doon sa mga nag-iisa at nakikipaghamok sa kabigatan ng buhay, marinig lamang nila na sila ay iniaangat sa panalangin doon sa trono ng grasya o biyaya ng Diyos, ito ay parang bukal ng sigla at pag-asa. Ang panalangin ng maramihan ay lumilikha sa atin ng pagmamahal at pagmamalasakit para sa ibang tao habang tayo ay namamagitan para sa kanila. Nagbibigay din ito ng pagmumuni-muni sa mga puso ng mga taong kasama sa pagdapanalangin ng maramihan. Tayo ay dapat na mapagpakumbaba kung tayo ay lalapit sa Diyos (Santiago 4:10), sa katotohanan (Mga Awit 145:18), sa pagiging masunurin (1 Ni Juan 3:21-22), may pagpapasalamat (Mga Taga Filipos 4:6) at may pagtitiwala (Sa Mga Hebreo 4:16). Nakakalungkot isipin na ang pagdapanalangin ng maramihan ay maaaring maging plataporma ng mga tao na ang mga sasalitain ay hindi patungkol sa Diyos, kung hind para doon sa mga nakikinig. Si Jesus ay nagbigay ng ganitong babala sa libro ni Mateo 6:5-8 at dito ay mahigpit na ipinagbabawal na tayo ay hindi dapat na magpanalangin ng may paymamayabang, walang kabuluhang paulit-ulit, o di kaya ay may pagka ipokrita, subalit tayo ay dapat magpanalangin sa ating mga sariling kuwarto upang maiwasan ang tukso na ating gamitin ang ating pagdapanalangin ng may pagka ipokrita.
Ang Santong Sulat ay hindi nagbibigay ng payo o impormasyon na ang panalangin ng maramihan ay “mas makapangyarihan” kaysa sa panalangin ng isang tao kung ating titingnan ang pagkilos ng kamay ng Diyos. Marami sa mga Kristyano na ipinagpapasaalang-alang ang panalangin upang “kuhanin ang mga bagay sa Diyos,” at ginagamit ang pagdapanalangin ng maramihan upang ibigkas ang listahan ng mga pangangailangan. Ang mga pananalangin ayon sa Bibliya ay maraming tapyas o maraming bahagi, kasamang boo ang pagnanais na pumasok sa katauhan at matalik na pagkokomunyon o pagnanaig sa ating banal, walang bahid, at makatarungang Diyos. Na ang ating Diyos ay tutungo at pakikinggan ang panalangin ng Kanyang mga likha ay nagbibigay ng papuri at adorasyon para ibuhos ng matindi (Mga Awit 27:4; 63:1-8), nagbibigay ng taos-pusong pagsisisi at pagkumpisal (Mga Awit 51; Lucas 18:9-14), nagbubuo ng pagbuhos ng utang na loob at pasasalamat (Mga Taga Filipos 4:6; Mga Taga Colosas 1:12?, at lumilikha ng tunay na sagot ng paratang para sa pagkalinga para sa ngalan ng ibang tao (2 Tesalonica 1:11; 2:16).
Ganoon pa man, ang panalangin ay pakikipagtulungan sa Diyos upang ang Kanyang mga plano ay mangyari, hindi para sa Diyos upang yumuko sa ating mga kagustuhan, atas, o pagnanais. At habang ating ipinuubaya at isinusuko ang ating mga sariling pagnanais sa Isa na nakakaalam ng ating mga kalagayan mahigit pa sa ating magagawa at sa Kanya “na alam ang ating mga pangangailangan bago natin hingin” (Mateo 6:8), an gating mga panalangin ay nakarating sa pinakamataas ng lugar. At ang mga panalangin o panalangin na ibinibigay at isinusuko sa Banal na utos, sa gayong dahilan, ay palaging masasagot ng positibo, kahit ito ay dinasal ng isang tao o ng isang libo.
Ang kuru-kuro na ang panalangin ng maramihan ay mas mabuti ang pagkakataon na pakilusin ang kamay ng Diyos ay nanggaling sa maling pag-unawa sa Mateo 18:19-20, “Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pakasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking Ama na nasa langit.Sapagka’t kung saan nagkakatipon and dalawa o tatlo sa Aking pangalan, ay naroroon Ako sa gitna nila.” Ang mga bersikulong ito ay nanggaling sa mas malaking sipi tungkol sa mga pamamaraan na kailangang sundin sa pagdidisiplina ng isang miyembro ng iglesia na nagkasala sa Diyos. Ang pagbibigay ng interpretasyon na itong mga bersikulong ito ay pangako ng Diyos na kahit anuman ang ating hingin at tayo ay nagkakasundo, kahit makasalanan o walang halaga man ito, ito ay hindi sang-ayon sa disiplina sa loob ng iglesia, at hindi rin ito tinatanggap and buong kasulatan ng Santong Sulat, lalung-lalo na ang kapangyarihan ng Diyos.
At kung paniniwalaan natin na pagka “dalawa o tatlo ay nagkatipun-tipon” para manalangin, at magkaroon ng nakakapagtakang kapangyarihang karakarakang inilapat sa ating mga panalangin ay hindi suportado ng Biblya. Oo naman at si Jesus ay nasa gitna kung dalawa o tatlo ay nagdapanalangin, subali’t Siya ay nanduroon din kahit ang isang tao ay nagdapanalangin nang mag-isa, kahit ang isang tao ay hiwalay sa ibang mga nagdapanalangin na magkakalayo ng libu-libong milya. Ang panalangin ng maramihan ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng pagkakaisa (Juan 17:22-23), at ito ay isang mahalagang bagay para sa mga taong naniniwala kay Jesus na nagbibigay ng lakas at pag-asa para sa isa’t isa (1 Mga Taga Tesalonica 5:11) at nag-uudyok para sa isa’t isa para magmahalan at mabuting gawa (Sa Mga Hebreo 10:24).
Balik sa Tagalog Home Page
Mahalaga ba ang panalangin ng maramihan? Ito bang panalangin ng maramihan ay mas makapangyarihan o mabisa kaysa sa pananalangin ng isang tao na nag-iisa?
|
|
|